P-Duterte, sinertipikahang urgent bill ang Universal Health Care

P-Duterte, sinertipikahang urgent bill ang Universal Health Care

July 10, 2018 @ 5:28 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – SinertipikahanĀ na ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte bilang urgent bill ang panukalang batas na Universal Health Care (UHC).

Sa illaim ng panukalang batas, hangad nito na mabigyan ng libreng paggamot at libreng gamot sa lahat ng mga Filipino sa Pilipinas.

Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque na isa sa dahilan kung bakit siya nagpunta ng Indang Municipal Building sa Cavite upang makiisa sa pagpupulong ng lahat ng mga barangay health workers sa probinsya ng Cavite at upang iparating ang mabuting balita na dahil certify as urgent bill na ang UHC ay maaari nang maaasahan na maisasabatas ito.

Ang importante aniya ay ang magiging papel ng mga barangay health workers.

Ang mga ito aniya ay magsisilbing gatekeeper.

ā€œSila ang first contact ng mga pasyente kasama po ang community nurse at midwife at dito po sa mga barangay health center sila ang magbibigay ng desisyon kung bibigyan ng gamot or papatuluyin pa sa espesyalista o kaya sa mga ospital,ā€ ayon kay Sec. Roque.

Sinabi pa niya na hybrid ang UHC dahilĀ nandyan pa rin aniya ang papalit sa PhilHealth.

Ang pangalan aniya ay PhilHealth Security Corporation na siyang magbibigay ng medical insurance.

Iyon nga lamang ang pagkakaiba nito ay yung pagkakilala na hindi sapat ang medical insurance para mabigyan ng libre pagamot ang lahat at gagastusanĀ ng pera na galing sa kaban ng bayan.

Ang UHCĀ ay sinertipikahan ni Pangulong Duterte sa cabinet meeting kagabi na natapos ng ala-1:00 ng madaling araw .

ā€œI am very pleased to announce that our pet bill when we were in Congress Universal Health Care which we sponsored and defended in the Lower House was certified urgent by the President,ā€ aniya pa rin.

Samantala,Ā Ā si Ā Sen. JV Ejercito naman ang may sa senate version ng nasabing panukala na nakabinbin parin sa Senado hanggang sa ngayon. (Kris Jose)