P-Noy, muling hindi dadalo sa SONA ni PDU30

P-Noy, muling hindi dadalo sa SONA ni PDU30

July 16, 2018 @ 3:23 PM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Sa ikatlong pagkakataon ay dededmahin muli ni dating Pangulong Noynoy Aquino ang State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte habang nagpasabi namang dadalo si Vice President Leni Robredo.

Ayon sa House Inter Parliamentary Relations Service and Special Affairs Bureau (IPRSAB) ay nag-abiso na si Aquino na hindi dadalo sa SONA sa Lunes, July 23, habang nagkumpirma na ng kanilang attendance sina dating Pangulong Fidel Ramos at Joseph Estrada.

Bilang bahagi ng tradisyon ay iniimbitahan sa SONA ang mga dating naging Pangulo ng bansa.

Nagkumpirma din ng kanilang pagdalo ang mga dating Senate Presidents na sina Juan Ponce Enrile at Aquilio nene Pimentel gayundin si dating House Speaker Jose de Venecia.

“VP Leni is attending SONA; former President Aquino already sent regrets,”ayon sa IPRSAB.

Sinabi ni House Secretary General Atty Cesar Pareja na inaasahan nilang nasa 3,000 ang dadalo sa ikatlong SONA ni Pangulong Duterte at nakalatag na rin ang kanilang seguridad sa loob at labas ng Batasang Pambansa. (Gail Mendoza)