P1.16M tobats nasamsam sa mag-asawa

P1.16M tobats nasamsam sa mag-asawa

July 22, 2022 @ 9:10 AM 3 weeks ago


KABANKALAN CITY- ARESTADO ang mag-asawa matapos mahulihan ng P1.16-M halaga shabu sa isinagawang buy bust operation ng mga awtoridad Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga suspek na sina Jomy Consular, 42 anyos at misis nitong si Leosella Consular, 27 anyos, kapwa residente ng Sitio Linag-asan, Brgy. Hilamonan, Kabankalan City.

Batay sa report ng Kabankalan City Police Station, dakong 3:30 PM nadakip ang mga suspek sa Purok Santan, Brgy. Camugao, ng nabanggit na lungsod.

Sa pinagsamang pwersa ng Station Drug Enforcement Team Kabankalan City Police Station, Provincial Drug Enforcement Unit, Negros Oriental Police Provincial Office, Philippine Drug Enforcement Agency 6, nakumpiska sa mag-asawa ang 24 na pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu na may bigat na 170 gramo at tinatayang aabot sa halagang P1,156,000.

Narekober rin sa mga suspek ang dalawang cellphone at Kawasaki tricycle.

Nakakulong ngayon sa Kabankalan Component City Police Station ang mag-asawa at nahaharap sa kasong Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. /Mary Anne Sapico