P1.185B inilabas na ng DBM para sa risk allowance ng health workers

P1.185B inilabas na ng DBM para sa risk allowance ng health workers

January 23, 2022 @ 12:22 PM 8 months ago


MANILA, Philippines – Inilabas na ng Department of Budget and Management ang karagdagang P1.185 bilyon para sa special risk allowance (SRA) ng mga health worker sa gitna ng COVID-19 pandemic.

Mapapamahagian sa SRA ang nasa 63,812 eligible public at private healthcare workers “who are directly catering to or are in contact with COVID-19 patients,” ang nakasaad sa kalatas ng DBM.

Sa kabuuan, ipinalabas ng budget department ang P11.856 bilyon, mapakikinabangan ito ng 562,928 healthcare workers na makatatanggap ng SRA na hindi lalampas sa P5,000 kada buwan mula Disyembre 20, 2020 hanggang Hunyo 30, 2021.

Ang SRA ay mayroong mandated benefit na dagdagan ang sahod ng mga essential workings na nasa frontline sa paglaban sa respiratory disease. Kris Jose