P1.1M droga nasabat sa 4 na anti-illegal drug ops sa Taguig- PNP

P1.1M droga nasabat sa 4 na anti-illegal drug ops sa Taguig- PNP

January 13, 2022 @ 4:11 PM 7 months ago


MANILA, Philippines- Nasabat ang P1.1 milyong halaga ng hinihinalang droga sa magkakahiwalay na anti-illegal drug operations sa Taguig City nitong Martes, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Sa pangunguna ng National Capital Region Police Office (NCRPO), nakumpiska sa apat na magkakahiwalay na operasyon ang iligal na drogang tinatayang aabot sa P1,110,440.

Batay sa inisyal na ulat, isang 26-anyos na tricycle driver na kinilalang si Halil Abo ang inaresto dahil sa hawak na dalawang heat sachets ng shabu na nagkakahalaga ng P173,400.

Makalipas ang isang oras, nasabat din ng NCR Drug Enforcement Unit angP515,440 halaga ng droga sa hiwalay na buy-bust operation kung saan naaresto ang 38-anyos na si Wynlove Buco at 43-anyos na si Eusebio Bahia Jr.

Nahuli rin ng Taguig City police ang kinilalang si Raffy Lumenda, 44 taong gulang, na may hawak na P345,440 halaga ng droga.

Sa pareho ring araw, naaresto rin sina Alvin Co, 36, at Jessie Christopher Cruz, 38, sa kahabaan ng M.L. Quezon St., Purok 5, Barangay Lower Bicutan, Taguig City sa hinihinalang pakete ng shabu na aabot sa P76,160.

Pinuri naman  ni PNP chief Police General Dionardo Carlos ang mga pulis na bahagi ng operasyon.

“Successive operations in a day — this is a feat. I thank the dedication of the police units involved. This huge amount of illegal drugs must be reflective of the network of narcotic operations that may be behind these cases,” aniya.

“The next step is to identify the big fish,” dagdag pa ni Carlos. RNT/SA