P1.1M halaga ng ‘tsongki’ nasamsam sa Bulacan

P1.1M halaga ng ‘tsongki’ nasamsam sa Bulacan

October 28, 2022 @ 4:42 PM 1 month ago


Bulacan – Tinatayang P1,160,000 halaga ng iligal na droga ang nasabat sa dalawang pinaghihinalaang tulak sa ikinasang buy-bust operation ng pulisya sa bayan ng Marilao.

Kinilala ni Bulacan Police officer-in-charge PCOL. Relly Arnedo ang mga suspek na sina Pethuel Mizona ng Brgy. Duhat, Bocaue at Danica Moreno ng Brgy. Abangan Sur, Marilao.

Sa report ng Marilao police, naaresto ang mga suspek matapos ang transaksyon bandang alas-2 ng madaling araw nitong Oktubre 28, sa Brgy. Abangan Sur.

Narekober sa lugar ang nasa 11.6 kilos na pinaghihinalaang marijuana na may estimated value na P1,160,000.00.

Nahaharap ang mga suspek sa kaukulang kaso habang nakakulong sa naturang istasyon ng pulisya. Dick Mirasol III