P1.2M ari-arian naabo sa sunog sa Cebu

P1.2M ari-arian naabo sa sunog sa Cebu

January 1, 2023 @ 3:22 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Naabo ang aabot sa P1.2 milyon na halaga ng ari-arian sa kauna-unahang sunog na naitala sa Cebu City ngayong 2023.

Kabilang sa mga tinupok ng apoy na sumiklab 12:57 ng madaling araw nitong Linggo, Enero 1 ang isang ancestral home at nakadamay pa ng dalawang katabing istruktura.

Naganap ang sunog sa isang compound sa Barangay Calamba ng nabanggit na lungsod at posibleng dahil ito sa paggamit ng paputok o kaya naman ay electrical short circuit.

Sa kabila nito, nilinaw naman ng pamilya ng pinagmulan ng sunog na hindi sila nagsindi ng alinmang paputok sa pagdiriwang ng Bagong Taon.

Anang pamilya, maaaring nagmula umano ang paputok sa labas ng kanilang compound.

“Kalit lng kuno kaayo to. Naa ra sila sa tungod. Nagparty sila unya mao nalang ila nalingian nga ilang balay nasunog na,” pahayag ni Fire Officer 3 (FO3) Emerson Arceo, imbestigador ng Cebu City Fire Station.

Sa kabila nito, hindi naman inaalis ni Arceo ang posibilidad na dahil sa electrical short circuit ang sunog lalo na at ancestral house pa ito.

“1950s pato nga balay unya sugod atong panahona, wala sad silay major nga gipatrabaho regarding sa ilang kuryente. Dako pod ang possibilidad nga ilang kuryente, karaan na,” dagdag niya.

Kasalukuyan pang iniimbestigahan ng mga awtoridad ang tunay na dahilan ng sunog. RNT/JGC