P1.2M damo nasabat sa Nueva Ecija drug bust

P1.2M damo nasabat sa Nueva Ecija drug bust

June 30, 2022 @ 1:30 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Inaresto ng mga pulis ang tatlong suspek na nahulihan ng P1.2milyong halaga ng marijuana leaves sa buy-bust operation sa Penaranda, Nueva Ecija kamakailan, ayon sa Philippine National Police (PNP).

Kinilala ng PNP ang mga suspek na sina Eddie Pabia, 21; John Pabia, 21; at Aila Cab, 22, na kapwa naaresto sa drug sting na isinagawa nitong Hunyo 28.

Nasamsam sa mga suspek ang marijuana leaves na nagkakahalaga ng P1,200,000.

Ikinasa ang anti-illegal drug operation ng Penaranda Municipal Station, Police Provincial Drug Enforcement Unit, at Nueva Ecija Provincial Office.

“Another anti-illegal drug operation was carried out successfully with the arrest of three suspects who shall face criminal charges for violation of Republic Act 9165,” pahayag ni PNP officer-in-charge Lt. Gen. Vicente Danao Jr..

Ang Republic Act No. 9165 ay mas kilala bilang “Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.” RNT/SA