P1.2M marijuna bricks nasabat; suspek sugatan matapos manlaban

P1.2M marijuna bricks nasabat; suspek sugatan matapos manlaban

September 8, 2021 @ 8:15 AM 2 weeks ago

  •  
  •  
  •  

KALINGA – Nagmistulang parang teleserye ang operasyon nang masugatan ang isang suspek matapos makipagpalitan ng putok ng baril sa mga kapulisan sa Bulanao, Tabuk City.

Naka-engkwentro ng kapulisan si Victor Guimba na residente ng Loccong, Tinglayan, Kalinga na may kinakaharap na warrant of arrest sa kasong paglabag sa RA 9165 o may kaugnayan sa iligal na droga.

Narekober ng mga awtoridad ang sampung (10) piraso ng dried marijuana bricks na nagkakahalaga ng higit sa P1.2- milyon; isang yunit ng caliber 9mm smith at wesson na may apat (4) na bala; dalawang hand grenade; P13, 750 cash, cellphone, bag na naglalaman ng dokumento at kanyang sasakyan.

Una rito, nakatanggap ng impormasyon ang Kalinga Police Provincial Office o KPPO na isang kulay gray na Toyota Fortuner na may plakang VV 1195 na nagmula sa Metro Manila ang kasalukuyan noong nasa Tabuk City na pinaniniwalaang ito ang akusado sa pagbebenta ng iligal na droga at ang tangkang pagpupuslit umano ng marijuana patungo sa kalakhang maynila kung kaya’t isang operasyon ang ikinasa ng pulisya.

Nang mamataan nila ang sasakyan na gamit ng akusado sa Bakras, Bulanao ay kaagad nilang sinuri ang tao sa loob ng kotse at nakumpirmang si Guimba ito kung kaya’t isinilbi nila ang warrant of arrest laban sa kanya.

Hindi nagawang maaresto ng mga kapulisan ang akusado matapos itong bumunot ng baril at itinutok sa kanila hanggang sa kumaripas palayo ang minamanehong sasakyan ni Guimba patungo sa Mapaoay, Ipil na naging dahilan ng habulan sa pagitan ng mga awtoridad hanggang sa paputukan umano ng baril ng suspek ang mga kapulisan.

Kaugnay nito, hindi na nagawa pang makalayo ang akusado matapos tamaan ng bala ng baril ang gulong ng sasakyan ni Guimba dahilan para sumadsad ito sa  palayan sa naturang lugar.

Matapos ang engkwentro, napag-alaman na nagtamo ng sugat sa katawan ang akusado na kaagad isinugod sa pagamutan para mabigyan ng karampatang lunas.

Kaugnay nito, inaresto rin ng kapulisan ang 18-anyos na lalaking kasama noon sa sasakyan ni Guimba ng Pacak, Agbannawag, Tabuk City, Kalinga.

Napag-alaman na si Guimba ay kabilang sa listahan ng Regional Top Ten Drug Personality sa boung Cordillera Administrative Region o CAR.

Pansamantala nasa kustodiya ng pulisya ang suspek habang inihahanda ang karagdagan kasong kaharapin nito na may kauganyan din ipinagbabawal na gamot at iba pa kabilang kanyang kasamang binata. Rey Velasco


  •  
  •  
  •