P1.2M shabu nakumpiska; 4 arestado

P1.2M shabu nakumpiska; 4 arestado

August 20, 2022 @ 1:00 PM 1 month ago


TACLOBAN CITY –Umabot sa P1.2 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa apat na suspek matapos salakayin ang drug den kahapon sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Rey Marck Macawile, 28-anyos, drug den maintainer, Jackie Morales, 29-anyos, Sherwin Mark Troyo, 30-anyos, kapwa taga-Tabango, Leyte, at Jay-R Ramilo, 39-anyos, ng Tacloban City.

Ayon kay Rogellete Urgel, tagapagsalita ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8, sinalakay ng mga operatiba ang drug den sa Barangay 21-A, Gomez Street, Tacloban City.

Pagdating sa naturang lugar naabutan ang mga suspek at nakuha sa mga ito ang nasa 200 gramo na shabu na aabot sa halagang P1.2 milyon.

Kasalukuyang nasa kustodiya ng PDEA 8 Detention facility ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs. Mary Anne Sapico