P1.36M iligal na droga nasamsam ng PNP sa Manila raid

P1.36M iligal na droga nasamsam ng PNP sa Manila raid

April 21, 2022 @ 6:48 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Halos P1.36 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nasabat mula sa isang babae sa Tondo, Manila, ayon sa Philippine National Police (PNP) nitong Huwebes.

Kinilala ni PNP chief General Dionardo Carlos ang suspek na si Maria Mustapha Kamiklan, 47-anyos.

Natimbog si Kamiklan sa isang buy-bust operation na isinagawa ng PNP at ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) nitong Martes.

Ani Carlos, mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa R.A. 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

“We continue our efforts to monitor the production and trafficking of these illegal substances. Thus, the series of operation resulting to the arrest of drug suspects,” aniya pa. RNT/SA