P1.36M shabu nasabat sa buy-bust sa Tondo

P1.36M shabu nasabat sa buy-bust sa Tondo

April 20, 2022 @ 4:54 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P1.36 milyong halaga ng shabu ang nasamsam ng mga tauhan ng Philippine National Police (PNP) at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa ikinasang buy-bust operation sa Tondo, Maynila.

Ayon kay PNP Public Information Office Chief BGen Rhoderick Augustus Alba, naaresto sa operasyon ang 47-anyos na suspek na si Maria Mustapha Kamilan.

Nahaharap na ito sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

samantala, pagtitiyak ni PNP Chief General Dionardo Carlos na magpapatuloy ang efforts ng kapulisan para masugpo ang problema sa iligal na droga sa bansa. RNT/ JCM