P1.36M tobats nasabat sa durugista sa Tondo

P1.36M tobats nasabat sa durugista sa Tondo

April 21, 2022 @ 10:13 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Inaresto ng mga operatiba ng Philippine National Police (PNP) at ang Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang drug suspek sa Tondo, Maynila at nasamam ang P1.36 milyong shabu sa joint operation.

Sa ulat, kinilala ng PNP ang suspek na si Maria Mustapha Kamilan, 47.

Si Kamilan ang naaresto sa joint operation sa Barangay 4 sa Tondo noong Tuesday (Abril 19).

Sinabi ni PNP chief Gen. Dionardo Carlos na patuloy ang kanilang pagsisikap na subaybayan ang produksyon at trafficking ng illegal na droga kaya nagsagawa ng serye Ng operasyon na nagresulta ng pagkakadakip sa suspek.

Si Kamilan ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act No. 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, ayon kay Carlos. Jocelyn Tabangcura-Domenden