P1.3B COVID-19 vax na binili ng pribadong sektor mapapanis sa katapusan ng Hulyo- Concepcion

P1.3B COVID-19 vax na binili ng pribadong sektor mapapanis sa katapusan ng Hulyo- Concepcion

July 21, 2022 @ 6:24 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Sinabi ng business leader at dating presidential adviser na si Joey Concepcion nitong Huwebes na nagkakahalaga ng mahigit P1.3 bilyon ang mapapanis na COVID-19 vaccines na binili ng pribadong sektor sa katapusan ng Hulyo, at hinikayat ang pamahalaan na turukan ang mga empleyado ng ikalawang booster shots.

Inihayag ni Concepcion na ang mga masisirang bakuna “are the losses incurred only by the private sector and do not yet reflect the vaccines it donated to the government.”

Ang mga bakunang nakatakdang mag-expire ay binubuo ng 623,680 doses ng AstraZeneca vaccine at 864,700 doses ng Moderna shot, hanggang nitong Hulyo 21.

Bawat AstraZeneca jab ay tinatayang nagkakahalaga ng $5, habang nabili ang Moderna shots ng $26.83 kada dose, ayon sa business leader, na bahagi ng Private Sector Advisory Council ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos.

Binili ng pribadong sektor ang mga naturang bakuna sa pamamagitan ng tripartite agreement na A Dose of Hope, na binuo noong Oktubre 2020.

Sa ilalim ng tripartite agreement, kalahati ng mga biniling bakuna ang ibinahagi sa gobyerno.

“The private sector has already proven that it is willing to get vaccinated. There is no need for mandates when it comes to the private sector,” ani Concepcion. RNT/SA