P1.3B investment pledges mula sa Swiss firms nauwi ng Pinas

P1.3B investment pledges mula sa Swiss firms nauwi ng Pinas

January 26, 2023 @ 10:52 AM 1 day ago


MANILA, Philippines – SINABI ng Board of Investments (BOI) na nakakuha ang Pilipinas ng inisyal na investment commitments mula sa Swiss companies, na nagkakahalaga ng USD24.7 million (PHP1.3 billion) sa isinagawang investment mission ng bansa sa Switzerland mula Enero 9 hanggang 13.

Ang mga nasabing potential investments ay nabuo habang idinaraos ang business meetings na inorganisa ng Philippine Trade Investment Center (PTIC) sa Geneva, Bern at Zug sa Switzerland.

Ang mga business meetings na ito ay isinagawa sa sidelines ng Philippines-European Free Trade Agreement (EFTA) meeting at sa 5th Joint Economic Commission (JEC) meeting sa pagitan ng Pilipinas at Switzerland.

“With no less than the President as the country’s number one salesperson in pitching the Philippines, the country’s improved business climate continues to soar high as several multinational companies ramp up their interests in setting up businesses in the country along with existing firms expanding their investment portfolios,” ayon kay Trade Undersecretary at BOI managing head Ceferino Rodolfo.

Ang USD24.7-million investment pledges, inaasahang makalilikha ng 475 trabaho ay mula sa “keypad at silicone sensor manufacturer, Sateco AG at startup company, NaturaLoop.”

Layon ng Sateco AG na mag-invest ng USD9.7 million (P530.5 million) para sa manufacturing facility ng TECO Industrial Park. Inaasahan na ang manufacturing plant ay mako-kompleto sa 2024.

Plano naman ng NaturaLoop na magtayo ng isang USD15-million Cocoboard factory sa Pilipinas.

Sa kasalukuyan, ang NaturaLoop ay nagde-develop ng supply chain para sa coconut husks sa Quezon province kasama ang mga local partners na ProSource International Inc. and Quezon Federation at Union of Cooperatives (QFUC).

“These initial investment commitments are promising as we look forward to the growing interest of Swiss firms in the Philippines and benefits from the game-changing reforms pursued by the Marcos administration such as the amendments to the Public Service Act (PSA), Retail Trade Liberalization Law (RTLA), Foreign Investment Act (FIA) and the implementing rules and regulations (IRR) of the Renewable Act of 2008, the latter also allowing full foreign ownership in renewable energy, particularly in solar, wind and tidal RE,” ayon pa kay Rodolfo.

Para sa nakalipas na limang taon, ang investment ng Swiss companies sa major investment promotion agencies ay nagkakahalaga ng P1.4 billion, na may “notable projects” mula sa mga kompanyang gaya ng Nestle, Avaloq at CPW. Kris Jose