P1.3B kita nawala dahil sa pagbabawas ng taripa — DOF

P1.3B kita nawala dahil sa pagbabawas ng taripa — DOF

July 9, 2021 @ 8:00 AM 1 year ago


Manila, Philippines – Nawala sa gobyerno ang nasa P1.356 bilyong kita makaraang bawasan ang tarifa ng imported pork meat..

Sa pahayag, sinabi ng Department of Finance (DOF) na inireport ng Bureau of Customs ang pagtaas sa pork imports sa 76 milyong kilo mula Abril hanggang Hunyo.

Sa report kay Finance Secretary Carlos Dominguez III, sinabi ni Customs Commissioner Rey Guerrero na nakapagdala ang importers ng 24.45 milyong kilo ng baboy noong Abril; 36.5 milyong kilo noong Mayo; at 15.14 milyong kilo mula Hunyo 1 hanggang 11.

 “For the period April 9 to June 11, 2021, the BOC posted a total collection of 846.96 million pesos. We estimated the revenue losses from EOs 128 and 134 to have reached P1.356 billion for this period,” saad ni Guerrero. RNT/FGDC