P1.3B winasak ni Florita sa sektor ng agrikultura

P1.3B winasak ni Florita sa sektor ng agrikultura

August 27, 2022 @ 12:31 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Umabot na sa higit isang bilyong piso ang halaga ng napinsala ni bagyong Florita sa sektor ng agrikultura, ayon sa Disaster Risk Reduction and Management Operations Center (DRRM) ng Department of Agriculture.

“The increase in overall damage and losses is due to additional reports on rice, corn, high value crops, and livestock in all affected regions,” ayon sa DA-DRRM.

Umabot sa kabuuang P1.13 bilyon ang nasabing pinsala habang nasa  6,647 magsasaka ang nahagip ni Florita.

Nasa 66,633 metric tons (MT) at 44,922 hectares ng agricultural areas sa Cordillera Administrative Region (CAR), Ilocos Region, Cagayan Valley, Central Luzon, at Bicol Region ang naitalang production loss.

Kabilang sa mga apektadong bilihin ang palay, mais, mga high value crops, mga alagang hayop at manok.

Ang DA ay patuloy na nakikipag-ugnayan sa mga kinauukulang ahensiya ng pambansang pamahalaan, mga local government units (LGUs), at iba pang tanggapan na may kaugnayan sa DRRM para sa epekto ng bagyo pati na rin ang mga magagamit na mapagkukunan para sa mga interbensyon at tulong, sabi ng ahensya.

Lumabas si Florita sa Philippine Area of ​​Responsibility noong Miyerkules ng umaga. RNT