P1.3M shabu nakumpiska sa baguhang durugista

P1.3M shabu nakumpiska sa baguhang durugista

March 28, 2022 @ 12:54 PM 3 months ago


PILI, CamSur- Higit isang milyong halaga ng shabu ang nakumpiska sa isang drug courier matapos ilatag ang buy bust operation ng mga awtoridad Linggo sa bayang ito.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Arlene Osolio, 57-anyos, residente ng Brgy. San Isidro Labrador, Dasmarinas Cavite.

Batay sa report ng Pili Municipal Police Station, naganap ang buy bust operation Linggo sa San Agustin Pili, Camarines Sur.

Ayon kay PLt. Col. Allan Macoy Jr, OIC ng Pili Municipal Police Station, nakatanggap sila ng report hinggil sa Newly Identified Drug Personality sa kanilang lugar.

Dito, inilatag ang operasyon laban sa suspek at nakabili sila ng isang pakete ng pinaniniwalaang shabu gamit ang P500.00 bilang buy bust money.

Nakuha rin suspek ang 9 pang piraso ng ipinagbabawal na gamot na may bigat na nasa 200 grams at nagkakahalaga ng higit P1,360,000.00.

Kasalukuyang nakakulong ang suspek sa lock-up cell ng Pili-PNP at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs./Mary Anne Sapico