P1.3M shabu nakumpiska sa Kabite

P1.3M shabu nakumpiska sa Kabite

June 9, 2022 @ 1:36 PM 2 weeks ago


DASMARINAS CAVITE- Mahigit P1.3 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng awtoridad sa dalawang suspek matapos ang buy-bust operation nitong Miyerkules sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na sina Sandro Toledo, 35, at Cecille Pakingan, 40, at kapwa residente sa Brgy. H2, Dasmariñas City, Cavite.

Batay sa report ng Station Drug Enforcement Unit-Dasmariñas City Police Station, dakong alas-3 ng hapon nadakip ang mga suspek sa nasabing lugar.

Nakuha sa mga suspek ang 5-pirasong pakete na naglalaman ng hinihinalang shabu, 2-malaking plastik na nakatali na naglalaman rin ng shabu na may bigat na 200 gramo, at nasa P1,360,000 halaga, 1 piece pouch, 1- shoulder bag at 1-P500 na ginamit bilang buy-bust money.

Ayon sa pulisya, nadakip ang mga suspek sa tulong ng mga concerned na nagbigay sa kanila ng impormasyon hinggil sa talamak na bentahan ng shabu sa naturang lugar.

Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Dasmariñas CPS ang mga suspek at nahaharap sa kasong paglabag sa illegal drugs o RA 9165. Mary Anne Sapico