P1.3M shabu narekober sa  P’que buy-bust

P1.3M shabu narekober sa  P’que buy-bust

June 2, 2021 @ 9:10 AM 2 years ago


Manila, Philippines – Arestado ang tatlong suspek sa droga sa isinagawang buy-bust operation sa Parañaque noong Lunes.

Dito ay nasabat ang nasa isang milyong halaga ng shabu.

Sinabi ni Police Brig. Gen. Jimili Macaraeg, district director ng Southern Police District, nakatanggap ng tip ang Parañaque Police ukol sa ilegal na aktibidad ng mga suspek.

Dagdag pa rito, bibili ang police poseur-buyer at nakipagkita sa mga suspek sa Roxas Ave. sa Barangay Baclaran.

Narekober sa kanila ang nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng higit P1.3 milyon.

Kasalukuyang nakakulong na ang mga suspek sa Parañaque City police custodial facility. RNT/FGDC