P1.3M tobats nasabat sa 2 bigtime durugista

P1.3M tobats nasabat sa 2 bigtime durugista

December 15, 2022 @ 10:42 AM 1 month ago


URDANETA CITY, Pangasinan – Nakumpiska ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang P1.3 milyong halaga ng hinihinalang shabu mula sa dalawang high-value target dito.

Sa panayam, sinabi ni PDEA Pangasinan provincial head Rechie Camacho na nasa 200 gramo ng hinihinalang shabu ang nasamsam mula sa mga suspek na kinilalang sina Michael John Tizon at John Carlo Sañez, kapwa mula sa Sto. Tomas Bukid, Pasig City.

“Our informant has a contact inside the New Bilibid Prison who arranged the transaction. The two suspects picked up the illegal drugs and brought them here in Pangasinan,” dagdag pa niya.

Sinabi ni Camacho na naaresto ang dalawang suspek sa buy-bust operation kasama ang Philippine National Police sa isang bypass road sa Barangay Nancayasan sa lungsod na ito.

Nasamsam na ng PDEA-Pangasinan ang PHP2.7 bilyong halaga ng shabu at marijuana sa kanilang mga operasyon mula Enero hanggang Nobyembre 15 ngayong taon. RNT