P1.4M pekeng sigarilyo nabisto sa Maynila

P1.4M pekeng sigarilyo nabisto sa Maynila

February 22, 2023 @ 6:12 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa higit P1.4 milyon halaga ng mga pekeng sigarilyo ang nasamsam ng mga tauhan ng Special Mayor’s Reaction Team (SMaRt) na nagresulta sa pagkaka-aresto sa dalawang kalalakihan na unang lumabag sa traffic violation sa lungsod ng Maynila.

Ayon kay SMaRT Chief P/Maj. Edward Samonte, nahaharap sa kasong paglabag sa R.A 7394 (Consumer Act of the Philippines) Section 168 ng R.A 8293 (Intellectual Property Code of the Philippines) ang mga suspek na sina Johnreyl Jadocana y Binggoy, 31, binata, truck driver ng Barangay Camanang, Urdaneta City,Pangasinan; at Sixto Gorembalem y Barroga, 40, binata, truck helper ng Barangay Nancamaliran, Urdaneta City, Pangasinan.

Batay sa ulat, dakong ala-1:45 nitong Martes, Pebrero 21 nang maaresto ang mga suspek sa paglabag sa traffic violation at dinala sa MTPB Central Impounding Area na matatagpuan sa Quezon Boulevard, Sta Cruz, Manila.

Nauna dito, inaresto ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) ang dalawa habang minamaneho ang isang closed van na may plakang IAD 461 dahil sa paglabag sa traffic violation na reckless driving, disregarding traffic enforcer at no seat belt pero imbes na tumigil, pinaharurot nila ang kanilang sasakyan mula sa Moriones St., Tondo hanggang sa maabutan ng mga awtoridad ang mga ito sa Capulong St., Tondo.

Dahil dito, na-impound ang kanilang sasakyan sa MTPB Central Impounding Area at nang binuksan ang kanilang closed van ay bumuluga sa awtoridad ang 18 kahon ng Marlboro Gold o 180,00 cigarette sticks na nagkakahalaga ng P1,440,000 pero nang hinanapan ng dokumento ay wala silang naipakita.

Itinanggi naman ng Philip Morris Fortune Tobacco Corporation na gawa nila ang nasabing mga nakumpiskang sigarilyo kaya lumalabas na peke ang mga ito. JAY Reyes