P1.4M shabu nakumpiska sa 4 suspek

P1.4M shabu nakumpiska sa 4 suspek

August 23, 2022 @ 4:49 PM 1 month ago


BUTUAN CITY- Mahigit P1.4 milyong halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa magkahiwalay na operasyon kamakailan sa Caraga Region na nagresulta sa pagkakadakip sa apat na suspek na nasa high-value targets (HVTs).

Ayon kay Dindo Abellanosa, information officer ng Philippine Drug Enforcement Agency, Caraga Region (PDEA-13), itinuturing na pinakamalaking nahuli sa serye ng operasyon noong Huwebes sa Barangay Taganito, Claver, Surigao del Norte.

Unang nadakip si Jesus Fortuna, sa isinagawang buy-bust operation ng PDEA-13 at Surigao del Norte Police Provincial Office operatives.

Nakuha sa suspek ang ilang pakete ng shabu na may bigat na 121.9 gramo at aabot sa halagang P609,796.

Samantala, naaresto naman ang dalawang suspek sa Barangay Mate, San Francisco, Agusan del Sur, noong Biyernes.

Kinilala ang mga suspek na sina Andres Carba at Cherry Plaza, na nakuhanan ng 59.4 gramo ng shabu at aabot sa halagang P475,625.

Nadakip naman sa Barangay Comawas, Bislig City, Surigao del Sur, ang isang suspek na si Joseph Jayoma, at nakuhanan ito ng 50 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P350,000.

Sinampahan na ng kasong paglabag sa Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002, laban sa mga suspek. Mary Anne Sapico