P1.4M shabu nakumpiska

P1.4M shabu nakumpiska

January 5, 2023 @ 5:36 PM 4 weeks ago


NAGA CITY- Mahigit P1.4 milyong halaga ng hinihinalang shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa dalawang high-value drug traders sa isinagawang buy-bust operation kaninang umaga sa lungsod na ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Jerson Nebria, 39, at Robert Luna, 29, kapwa ng Barangay Cararayan, ng nasabing lungsod.

Batay sa report ng Naga City-PNP, dakong alas-8:24 ng umaga nakabili ang operatiba ng shabu sa mga suspek sa halagang P75,000.

Agad na pinosasan ang mga suspek at ng kapkapan ang mga ito nakuha kay Nebria ang dalawang pakete ng shabu na may bigat na 175 gramo habang 20 gramo naman ng nakuha kay Luna na may kabuuang 220 gramo ang narekober sa mga suspek.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa illegal drugs ang mga suspek. Mary Anne Sapico