P1.5B alokasyon sa national broadband dinepensahan

P1.5B alokasyon sa national broadband dinepensahan

November 28, 2022 @ 5:07 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Dinepensahan ni House Speaker Martin Romualdez ang P1.5B na realligned budget na ginawa ng Kamara para pondohan ang national broadband plan sa katwirang maituturing na “critical social service” ang internet.

Ayon kay Romualdez, sa P1.5 bilyon na ilalaan na pondo sa ilalim ng 2023 national budget ay makakasiguro na ang mga Pinoy ng mas mabilis na internet connection sa susunud na taon.

Ang nasabing P1.5 bilyon ay kabilang sa P77 bilyon na alokasyon na ni-realligned ng Kamara, bukod sa internet connection ay popondohan din ng mas malaking budget ang edukasyon, health at transportation sa ilalim ng P5.26-Trillion national budget.

“Internet is a critical social service nowadays, as it is deeply entrenched in our lives. We use the internet for education, for delivering and availing social services as well as for our businesses. I expect the country’s internet speed to go up a notch next year once the Department of Information and Communications Technology (DICT) implements its national broadband plan that has been allocated P1.5 billion in the proposed 2023 national budget,” paliwanag ni Romualdez.

Sumang-ayon dito si Ako Bicol Partylist Representative at House Appropriations Panel Chairman Zaldy Co sa paglalaan ng pondo sa national broadband project.

Aniya, panahon na para magkaroon din ng maayos na koneksyon ang mga lalawigan na hanggang ngayon ay wala pang internet.

“This allocation will go a long way in jumpstarting the program and once the DICT conducts the rollout of national broadband infrastructure, we can now use the bandwidth given by Facebook,” paliwanag ni Co.

Samantala, sinabi ni House Ways and Means panel chairperson Joey Salceda na noon pa man ay isinusulong na nitong ituloy ang naunsyaming National Broadband Network (NBN) project dahil ito ang kailangan ng panahon ngayon. Gail Mendoza