P1.5B ismagel na agri products nasabat mula Oktubre 2022 – DA exec

P1.5B ismagel na agri products nasabat mula Oktubre 2022 – DA exec

February 11, 2023 @ 11:41 AM 2 months ago


MANILA, Philippines – Nasa kabuuang P1.5 bilyon halaga ng smuggled agricultural products ang nasabat ng pamahalaan mula Oktubre 2022 hanggang Enero 2023.

“Ang ating naitala magmula October na operation natin hanggang January 27 po ay nasa P1.5 bilyon na po ng agricultural product ang ating nahuhuli na nasa eight million kilo ang volume nito,” pahayag ni Agriculture Assistant Secretary James Layug nitong Biyernes, Pebrero 10 sa public briefing.

Ani Layug, nasa 25 kaso ng paglabag sa Anti-Agricultural Smuggling Act of 2016 at dalawang kaso para sa Food Safety Act 2013 ang naihain na laban sa mga suspek.

Dagdag pa, pitong consignees at apat na broker ang nahaharap sa reklamo.

Ani Layug, pinag-aaralan ng pamahalaan ang posibilidad ng pagpapatupad ng pre-shipment inspection, kung saan ang mga produkto ay susuriin na sa lugar pa lamang ng pagmumulan nito.

Noong Enero, sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na layon niyang magkaroon ng bureaucratic reform upang masawata ang smuggling na bigong matugunan ng kasalukuyang sistema. RNT/JGC