P1.5B kontrabando nasabat sa Valenzuela

P1.5B kontrabando nasabat sa Valenzuela

July 16, 2022 @ 10:30 AM 1 month ago


MANILA, Philippines- Aabot sa P1.5 bilyonghalaga ng puslit na pekeng luxury items at mga gamit sa paggawa ng sigarilyo ang nasabat ng mga opisyal ng Bureau of Customs (BOC) sa Valenzuela City.

Ayon sa pahayag ng BOC nitong Biyernes, isinagawa ang operasyon noong Miyerkules sa bisa ng Letter of Authority (LOA) at Mission Order (MO) na inisyu ni Customs Commissioner Rey Leonardo Guerrero laban sa mga kinatawan ng C Teknik Development Corporation sa 143 C.P. Gregorio St., Lingunan, Valenzuela City para suriin ang bodega.

Sa pagsusuri ay tinatayang P1.5 bilyon ng kontrabando na kinabibilangan ng construction materials, housewares, kitchenware, household appliances, at consumer electronics lighting products mula sa Tsina ang nadiskubre.

Maliban sa huwad na items from brands, such as Christian Dior, Gucci, Michael Kors, Coach, Guess, Nike, Adidas, at Hello Kitty, bumulaga rin ang isang tagong storage facility ng hilaw na sangkap ng sigarilyo, gaya ng tobacco filler at filter rods. May mga nakita ring beauty at hygiene products gaya ng mga sabon ng Cetaphil, Safeguard, Nivea, Johnsons, at iba pa.

Bunsod nito ikinandado ng BOC ang mga pasukan at labasan ng bodega. Nakumpleto nitong Huwebes ang imbentaryo ng mga customs examiners, na sinaksihan ng BOC at mga kinatawan ng sinalakay na bodega.

Isang warrant of seizure and detention ang iiisyu sa mga kontabando para sa paglabag sa Intellectual Property Code of the Philippines, in relation to Section 117 (Regulated Goods), Section 118 (Prohibited Goods), at Section 1113 (Property Subject to Seizure and Forfeiture) ng Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Merly Iral