P1.5B pondo nakahanda para sa relief ops – DSWD

P1.5B pondo nakahanda para sa relief ops – DSWD

October 30, 2022 @ 11:34 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- May kabuuang  P1,512,200,382.42 cash assistance ang naka-standby at handa ng gamitin para sa severe tropical storm Paeng relief operations sa buong bansa.

Ito ang sinabi ni Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Erwin Tulfo sa council meeting kasama si Pangulong Ferdinand  Marcos Jr., araw ng Sabado, Oktubre 29.

Ang nasabing halaga ay ipamamahagi dahil na rin request o  kahilingan ng local government units (LGUs) subalit inatasan nito sa ilang DSWD Field Offices (FOs) regional directors na gumawa ng inisyatiba na kontakin ang mga opisyal ng LGU na hilingin sa kanilang  area of responsibility’s ang tulong na kakailanganin.

Sinabi pa ni Tulfo na ang P372.57 milyong halaga ng  Quick Response Fund ay naka-standby  sa  DSWD Central Office habang ang  P72.72 million cash aid ay available sa DSWD FOs sa  iba’t ibang panig ng bansa na maaaring gamitin para sa pangangailangan ng mga naging biktima ng  “Paeng” sa  pamamagitan ng  inter-FO augmentation.

Sinabi ni Tulfo sa kanyang report na mayroong 504,933 family food packs (FFPs) ang available sa DSWD FOs at 74,315 FFPs sa kanilang Disaster Response Centers sa Pasay City at Mandaue City.

Bukod pa rito, mayroong P701.71 milyong halaga ng food at non-food items ang nakahanda na sa ibang  Disaster Response Centers at FO warehouses ng departamento.

Mayroon ding kabuuang  P462,872 halaga ng  initial assistance ang ipinamahagi sa mga apektadong pamilya sa mga rehiyon 6, 7, at Caraga, P49,590  ng nasbaing halaga ay mula sa  LGUs.

Habang ang ahensiya ay hindi makabibigay ng direktang tulong sa Maguindanao dahil sa malalang  weather conditions, tiniyak ni Tulfo na ang DSWD FO sa Region 12 ay patuloy na tutulong at magpapadala ng tulong sa lalawigan.

Binanggit naman ni Tulfo na naka-alerto at inatasan na niya ang FOs ng ahensiya na ihanda na ang kanilang  relief goods at cash assistance,  “as early as last Wednesday” at ang halos lahat ng FOs sa bansa ay nakahanda na may kaakibat na tulong. Kris Jose