P1.5M shabu nakumpiska sa Laguna

P1.5M shabu nakumpiska sa Laguna

February 26, 2023 @ 2:05 PM 4 weeks ago


MANILA, Philippines – Arestado ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga na nagkakahalaga ng P1.5 milyon matapos na magsagawa ng anti-illegal drugs operation ang mga awtoridad sa Cabuyao, Laguna.

Batay sa ulat, ang suspek ay nakilala sa alyas na “Vergilio”, nasa hustong gulang at residente ng nabanggit na lugar.

Batay sa ulat na isinumite ni PLt.Col Jack Angog, chief of police ng Cabuyao City PNP, kay P/Col Randy Glenn Silvio Provincial Director ng Laguna PNP, inaresto ang suspek nang pinagsanib na elemento ng Drug Enforcement Team sa bisa ng search warrant na inisyu ni Executive Judge Divinagracia G. Bustos-Ongkiko ng Regional Trial Court Branch 91 Sta Cruz, Laguna.

Narekober sa suspek ang 10 heat sealed transparent plastic sachet na naglalaman ng hinihinalang shabu na humigit kumulang sa 250 gramo at nagkakahalaga ng P1.5 milyon, weighing scale, gunting at dalawang pirasong gas pipe, kung saan ang mga nakumpiskang ebidensya ay dinala sa tanggapan ng Regional Forensic Unit sa Camp Vicente Lim, Calamba City para sa isasagawang eksaminasyon.

Ang suspek ay nahaharap sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 at pansamantalang nakapiit sa Cabuyao City Police Station.

“Patunay lamang po ito na kami sa hanay ng PNP ay tuloy-tuloy ang laban kontra ilegal na droga at makakaasa po kayo na hindi kami hihinto sa mga ganitong operasyon upang tuluyan nating makamit ang ligtas at payapang pamayanan,” ani PCol Silvio. Ellen Apostol