P1.6M halaga ng droga, nakuha sa mag-ina sa Rizal

P1.6M halaga ng droga, nakuha sa mag-ina sa Rizal

September 25, 2022 @ 5:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Arestado ang mag-ina at pangkin na kapwa tulak sa P1.6 milyon ng droga matapos masakote sa anti-illegal drugs operation ng Provincial Intelligence Unit (PIU) sa San Mateo, Rizal.

Sa ulat ni P/Col. Dominic Baccay, Rizal PNP Provincial Director, kay PRO4A – regional director P/BGen. Jose Melencio Nartatez Jr., kinilala ang mga nadakip na sina Joana Babasa y Cielo alyas Joan high value individual, Ana Mae Oliva y Babasa at Neavie Guzman y Babasa kapwa nakatira sa No. 6, Road-2 Rafaela-2, Brgy. Ampid sa lugar.

Ayon kay PSSG. Ederico Edrick Zalavaria, dakong 2:35 ng hapon nagsagawa ng buybust operation ang mga tauhan ng PIU, Provincial Drug Enforcement Unit (PDEU), kasama ang Regional Drug Enforcement Unit (RDEU) at San Mateo PNP kung saan nadakip ang mag-ina at pamangkin sa Rafaela-2, Brgy. Ampid.

Nakuha sa mga suspek ang walong transparent plastic sachet ng shabu na may bigat na 240 grams at nagkakahalaga ng P1,632,000, isang sling bag, siyam na tag P1000 boodle money at buybust money at P1,150.00 na pinaniniwalaang kwarta mula sa droga.

Nakapiit na ang mga suspek sa detention cell ng pulisya at kinasuhan ng paglabag sa RA9165 section 5 & 11 , Article ll in relation to section 26. Rene Tubongbanua