P1.6M shabu nakumpiska sa N. Mindanao

P1.6M shabu nakumpiska sa N. Mindanao

January 31, 2023 @ 7:45 AM 2 months ago


CAGAYAN DE ORO CITY – Umabot sa P1,672,350.20 ang nakumpiska ng mga awtoridad sa naarestong mahigit 100 indibidwal kabilang ang dating pulis sa loob ng isang linggong “One Time, Big Time’’ (OTBT) operation sa Northern Mindanao.

Kinilala ang nadakip na dating pulis na si Ronald Ariel Gaguan, alias “Otik,” 41, at nasa Top 2 regional police at PDEA list ng suspected drug personalities.

Nahuli si Gaguan sa Purok-1, Sitio Kilabong, Barangay Vista Villa, Sumilao, Bukidnon noong Enero 27 at nakunan ito ng 15 gramo ng pinaniniwalaan shabu ng suspected na aabot sa halagang P102,000 at iba’t ibang drug paraphernalia.

Ayon kay Major Joann Navarro, tagapagsalita ng Police Regional Office 10, simula Enero 23 hanggang 29 naaresto ang 105 katao at ang kabuuan 248.7 gramo na shabu ang nakumpiska.

Sinabi ni Navarro ang 152.460 gramo na shabu na nakumpiska ay aabot sa halagang P1,036,968 sunod naman sa Bukidnon na may P428,760; Iligan City na may P87,244, at Misamis Oriental na P69,591.20.

Nadakip rin ng mga tauhan ng PRO-10 197 wanted persons– 40 ay nasa most wanted person at 157 ay wanted person.

Binalaan rin ni Brig. Gen. Lawrence Coop, PRO-10 director, ang lahat ng lumalabag sa batas na itigil na nila ang paggawa ng anumang ilegal na aktibidad dahil siniguro ng Coop na hindi titigil sa pagtugis at patuloy ang kanilang kampanya kontra-droga. Mary Anne Sapico