P1.7M ipinuslit na sigarilyo nakumpiska sa Zambo

P1.7M ipinuslit na sigarilyo nakumpiska sa Zambo

December 20, 2022 @ 10:24 AM 1 month ago


ZAMBOANGA CITY –NAKUMPISKA ng mga awtoridad ang P1.7-M halaga ng ipinuslit na sigarilyo sa isinagawang operasyon noong Linggo sa Zamboanga del Sur.

Kinilala ni Col. Richard Verceles, Area Police Command-Western Mindanao operations chief, ang nadakip na suspek na si Al Rosell Esparaguera, 46.

Batay sa report ng Aurora-PNP, dakong 3:40 p.m. nag maharang nila ang mga kontrabando sa Barangay Anonang, Aurora, Zamboanga del Sur.
sinabi ni Verceles, naglunsad ng checkpoint sa nasabing lugar ang operatiba ng Aurora police matapos makatanggap ng tawag mula sa Bureau of Customs (BOC) Pagadian sub-office na may darating na mga kontrabando sa nasabing lugar.

Dinakip si Esparaguera matapos mabigong magpakita ng mga kaukulang dokumento sa mga kargamento nito mula Zamboanga City at dadalhin sa nasabing probinsya.

Ayon sa pulisya at BOC umabot na sa P37.7M na halaga ang mga nakumpiska nilang ipinuslit na sigaril sa sunud-sunod nilang anti-smuggling campaigns sa loob lamang ng buwan na ito sa rehiyon.

Ang pinaka-malaking anti-smuggling na nakumpiska  ay ang P25-M halaga ng ipinuslit na sigarilyo noong December 8, sa nabanggit na probinsya./Mary Anne Sapico