P1.7M shabu nakuha sa babae sa Bohol

P1.7M shabu nakuha sa babae sa Bohol

September 25, 2022 @ 11:07 AM 2 months ago


BOHOL – Higit sa P1.7-M halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa isinagawang buy bust operation laban sa isang babae na nasa high value target nitong Huwebes, Setyembre 22 sa Tagbilaran City.

Kinilala ang nadakip na suspek na si Gemuba Librada Ras Alcala, 33 anyos at residente ng Brgy. Yanangan, Loay, Bohol.

Sa pinagsamang operasyon ng Tagbilaran Police Station, RPDEU, PDEA at RPIU, nadakip ang suspek dakong 8:35 PM Purok Barangay Bool, ng nasabing lungsod.

Nakuha sa mula sa suspek ang nasa 255 gramo na shabu at aabot sa halagang P1,734,000.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o ang Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Alcala. Mary Anne Sapico