P1.7M shabu nasabat sa Albay, 3 suspek napatay

P1.7M shabu nasabat sa Albay, 3 suspek napatay

July 21, 2021 @ 1:33 PM 1 week ago

  •  
  •  
  •  

MANILA, Philippines – Patay ang tatlong suspek sa isang buy-bust operation kung saan nasabat ng pulisya ang P1.7 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa bayan ng Oas sa Albay.

Ayon sa pulisya, nanlaban ang mga suspek na nagresulta sa pagkamatay ng mga ito.

Nakuha sa mga ito ang halos 350 gramo ng shabu, mga baril, at buy-bust money.

Batay sa ulat ng pulisya, magdadala ang mga ito ng iligal na droga sa Catanduanes, at sa mga lungsod ng Legazpi at Tabaco. RNT/ELM


  •  
  •  
  •