P1.7M shabu nasabat sa Pampanga

P1.7M shabu nasabat sa Pampanga

January 17, 2022 @ 12:00 PM 7 months ago


Manila, Philippines – Nasamsam ang 250 gramong shabu na nagkakahalaga ng P1.7 milyon sa ikinasang buy-bust sa Mabalacat City, Pampanga noong Biyernes, Enero 14.

Kinilala naman ang tatlong suspek na sina Orlando Cortez, Rosa Linda Dion at Alvin Cortez; na nakatira sa isang pribadong subdibisyon sa Mabalacat City.

Nasabat din dito ang isang cellphone, bank passbook, kulay pulang Toyota Vios at mga drug paraphernalia.

Mahaharap naman ang tatlo sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. RNT/FGDC