P1.8-M shabu nasamsam sa 4 tulak

P1.8-M shabu nasamsam sa 4 tulak

February 24, 2023 @ 11:44 AM 1 month ago


LEGAZPI CITY –LAGLAG sa mga awtoridad ang apat na hinihinalang tulak ng iligal na droga at nakumpiska ang P1.8M halaga ng shabu sa magkahiwalay na anti-drug operations sa Bicol Region, iniulat kahapon.

Ayon kay Lt. Col. Maria Luisa Calubaquib, tagapagsalita ng Police Regional Office-Bicol (PRO-5), nasamsam sa mga suspek ang 275 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa halagang P1.8M sa magdamag na operasyon sa iba’t ibang lugar ng naturang rehiyon.

Sa Zone 1, Barangay Carolina Naga City, dakong 6:00 PM nadakip sina Bong Blanquera, 45, ng Minerva St., Villa Corazon, Del Rosario; at Jumel Frederick Camalla, 34, tubong Macaroy Compound, Lomeda, San Felipe, na kapwa nasa listahan ng database sa illegal drugs.

Nakuha sa mga ito ang 75 gramo ng shabu na may street value ng P510,000.

Sa probinsya naman ng Masbate, nakuha ang 50 gramo ng shabu kay Marvin C. AcuƱa, 33, ng Barangay Canomay, Dimasalang habang nakatakas ang kasama nitong si Ronie Banda.

Habang sa Camarines Norte, naaresto si Catherine Quibral alyas ‘Kat’, 30, ng Barangay Pamorangon, Daet, Camarines Norte at nasa high-value individual (HVI) list ng Bicol-PNP.

Nakuha kay Quibral ang higit sa 150 gramo ng shabu na tinatayang nasa P1.020M street value.

Inihahanda na ang kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002 laban sa mga suspek./Mary Anne Sapico