P1.8M halaga ng puslit na sigarilyo, sasakyan nakumpiska ng BOC

P1.8M halaga ng puslit na sigarilyo, sasakyan nakumpiska ng BOC

December 2, 2022 @ 4:15 PM 2 months ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa halos P2 milyon halaga ng mga ismagel na sigarilyo at isang van ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) Port of Davao katuwang ang Philippine National Police (PNP) sa isinagawang checkpoint operation.

Ayon sa BOC, nasa 2,420 reams ng mga ismagel na sigarilyo na may tatak na “Gajah Baru” at “Canon” ang kanilang kinumpiska gayundin ang sasakyan na Isuzu Travis Van na parehong may pinagsamang halaga na P1.83 milyon sa isinagawang checkpoint sa Brgy. Poblacion, Maco, Davao de Oro, noong Nobyembre 3.

“This is a result of the Port’s compliance to Customs Commissioner Yogi Filemon Ruiz’s priority program to increase revenue collection by preventing revenue leakages caused by smuggling of contrabands and President Ferdinand Marcos Jr’s economic agenda in upholding public order and safety by safeguarding the public from harmful consumption of unpermitted goods,” saad ng BOC.

Agad namang itinurn-over sa kustodiya ng BOC ang mga bagay, habang ang mga suspek ay nasa kustodiya ng PNP, Region Office 11. Sasampahan ng bureau ng kaso ang mga suspek dahil sa pagpupuslit ng ipinagbabawal na sigarilyo.

Inisyuhan ni BOC Davao District Collector, Atty. Erastus Sandino B. Austria ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga smuggled items dahil sa paglabag sa Section 1113 kaugnay ng Section 117 at Section 400 ng Republic Act No. 10863 na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA).  JAY Reyes