P1.8M tsongki nasamsam sa magsasaka

P1.8M tsongki nasamsam sa magsasaka

September 29, 2022 @ 12:20 PM 2 months ago


TINGLAYAN, KALINGA- Halos P1.8 milyong halaga ng marijuana ang nasamsam ng mga awtoridad sa isang magsasaka sa Tinglayan, Kalinga.

Sa ipinarating na ulat kay Gil Cesar Castro, Regional Director ng PDEA CAR ang dalawang suspek ay kinilalang si Rolando Yagao alyas Rain, 32-anyos, may asawa, magsasaka at residente ng Tinglayan Kalinga.

Kabilang sa mga nakumpiska sa pagiingat nito ang 8 dried marijuana leaves brick na may bigat na 8 kilo, 8 piraso ng marijuana leaves tubular na may bigat na 7 kilo kabilang ang boodle money o perang ginamit sa operasyon at 1 unit ng android phone na ginamit sa pakikipagtransaksyon into.

Nahaharap sa paglabag sa R.A 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. Rey Velasco