P1 badyet ibibigay sa OMB sa kapalpakan ng performance

P1 badyet ibibigay sa OMB sa kapalpakan ng performance

November 14, 2022 @ 1:56 PM 2 weeks ago


MANILA, Philippines- Isusulong ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang paglalaan ng piso na budget para sa Optical Media Board (OMB) sa panukalang P5.268-trillion national budget sa susunod na taon.

Sa pahayag, sinabi ni Estrada na kanyang natuklasan sa pag-research, walang performance anuman ang OMB, walang koleksiyon, walang nahuling violators, talagang zero performance.

“One year in office, wala talagang ginawa, zero performance. That’s why on Monday, during continuing budget plenary deliberations in the Senate, I will propose for a one peso budget for OMB,” dagdag pa ng mambabatas.

Sa isinagawang pagdinig noong Oktubre 18 sa panukalang budget na P75.858 milyon sa OMB sa 2023, kinuwestiyon ni Estrada si Chairman Jeremy Marquez sa kawalan ng maipagmamalaking performance ng ahensiya mula ng maupo ito sa regulatory office na nangangasiwa sa pagbibigay proteksyon at proteksiyon ng intellectual property rights sa digital form.

“During your term, there was zero administrative cases filed against violators of RA 9239 from November 2021 when you took over until about July of this year 2022. In contrast, the OMB was averaging 200 administrative cases filed each month before you took over,” sinabi niya.

Sa pagkukumpara kay Marquez sa mga naunang naupo sa ahensya, sinabi ni Estrada na nakakolekta ang OMB ng P560,000 noong 2018; P1.83 milyon noong 2019; P350,000 noong 2020; at P2.3 milyon noong 2021 sa administrative penalties.

“And during your term, zero collection. Number two, zero seizures of counterfeit and illegal storage devices from November 2021, when you took over, until August of this year. In fact, you only recently ordered the OMB agents to conduct seizure operation against violators of RA 9239 just so you can have something to report for the budget deliberations in both Houses of Congress,” sabi ni Estrada.

Ang halaga ng mga nakumpiska kada taon ng OMB sa pagitan ng 2018 hanggang 2021 ay mula P71.65 milyon hanggang P309.9 milyon at nang si Marquez ang naging chairman, umabot lamang ito sa P100,000.

Nang hingan ng paliwanag, sinabi ng OMB chairman kay Estrada na hindi na nila kailangang magsagawa ng seizure operations dahil hindi na talamak ang pagbebenta ng mga pirated DVD tulad ng dati.

“Hindi pupuwedeng ganoon. Kasi kapag nagkasala ka, kapag labag sa batas, kailangan aksyunan mo. Hindi ka naman puwedeng maging friendly sa lahat. Kung maging friendly ka sa mga kawatan, kung maging friendly ka sa mga violators ng batas, walang mangyayari. Talagang wala kang maa-apprehend,” ani Estrada. Ernie Reyes