P1 dagdag-pasahe, inaprubahan na ng LTFRB

P1 dagdag-pasahe, inaprubahan na ng LTFRB

July 5, 2018 @ 8:35 AM 5 years ago


 

Manila, Philippines – Inaprubahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang pansamantalang dagdag-pasahe na P1 bilang tugon sa hiling ng mga transport group.

Pansamantalang dadagdagan ng P1 ang dating P8 na regular fair sa unang apat na kilometro sa mga pampublikong jeep na bumibiyahe sa mga rehiyon ng National Capital Region, Central Luzon, Calabarzon, at Mimaropa.

Ayon sa LTFRB, ipatutupad ang pansamantalang dagdag-pasahe sa oras na mamaisapubliko ang nasabing kautusan.

Matatandaan na una nang humiling ng pansamantalang dagdag-pasahe ang mga transport group habang hindi pa napagdedesisyunan ng ahensiya ang unang inihain na fare hike petition.

Kabilang sa mga transport group na humiling ng fare increase ay ang Alliance of Concerned Transport Organization (Acto), Alliance of Transport Operators and Drivers Association of the Philippines (Altodap), Federation of Jeepney Operators and Drivers Association of the Philippines (Fejodap), Land Transportation Organization of the Philippines (LTOP), at Pasang Masda.

Samantala, hindi pa rin napagdedesisyunan ng LTFRB ang naunang petisyon na inihain ng grupo noong September na naglalayon na dagdagan ng P2 ang base fare ng mga pampublikong jeep. (Remate News Team)