P10.2M shabu nasabat sa Mandaue City drug bust

P10.2M shabu nasabat sa Mandaue City drug bust

August 13, 2022 @ 3:00 PM 2 months ago


MANILA, Philippines- Nasamsam ng mga awtoridad ang mahigit P10 milyong halaga ng hinihinalang shabu sa isang buy-bust operation nitong Sabado ng umaga sa Mandaue City, Cebu, at naaresto ang target suspect.

Sinabi ni Norman Mendoza na ang predawn anti-illegal drug operation ay naganap sa Barangay Cabancalan sa Mandaue City.

Nasabat ng police operatives ang 1.5 kilo ng hinihinalang shabu mula sa target suspect na kinilalang si John Alex Villaraza, 18, residente ng Barangay Caritas sa Cebu City. 

Ayon sa Mandaue City Police, ang nasabing iligal na droga ay mayroong estimated street value na P10,200,000 na nakalagay sa backpack ni Villaraza.

Gayundin, sinabi ng mga pulis na may kaanak si Villaraza na preso ng Cebu City Jail. RNT/SA