P100 ‘across-the-board’ increase sa nat’l minimum wage inihirit ng labor group

P100 ‘across-the-board’ increase sa nat’l minimum wage inihirit ng labor group

November 7, 2022 @ 7:56 AM 4 weeks ago


MANILA, Philippines- Nanawagan ang labor organization nitong weekend para sa P100 “across-the-board” increase sa minimum wage sa bansa, dahil umano sa 14-year high inflation na naital nitong nakalipas na buwan.

Base kay Partido Manggagawa National Chairman Rene Magtubo, tutugunan ng dagdag-sahod ang inflation dahil batay sa komputasyon, na bumaba ng P76 ang purchasing power ng minimum wage earner dahil sa mas mataas na presyo ng mga bilihin.

Hindi na nagbigay ng detalye ukol dito ang grupo, subalit naiulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) na ang halaga ng P1 ay bumaba sa 85 sentimo nitong Okture.

“I-demand namin for a P100 increase. Actually, waste recovery ito and ito ay panawagan namin sa Congress to legislate an across-the-board increase nationwide sa lahat ng mga manggagawang apektado ng inflation,” aniya nitong Linggo.

“I-manage natin hindi lang ‘yung negosyo, i-manage natin pati buhay ng tao lalo na mga ordinaryong minimum wage earners,” dagdag niya.

Pumalo ang infaltion sa 7.7% nitong Oktubre, na pinakamabilis sa loo ng 14 taon,dahil sa mas mataas na presyo ng pagkain at non-alcoholic beverages sa nasabing buwan.

Magugunitang inaprubahan ng regional wage boards ngayong taas ang dagdag sa minimum wage sa ilang rehiyon, na pinakamababa sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa halagang P305, at pinakamataas Metro Manila sa halagang P570 hanggang nitong Oktubre 2022. RNT/SA