P100 insurance rekisitos na bago makapasok sa Boracay

P100 insurance rekisitos na bago makapasok sa Boracay

November 28, 2022 @ 8:38 AM 2 months ago


MANILA, Philippines- Kailangan nang kumuha ng mga turista sa Boracay ng accident insurance bago papasukin sa resort island simula ngayong Lunes.

Ayon kay Malay, Aklan Mayor Floribar Bautista, rekisitos na para sa mga turista na walang anumang insurance coverage na magbayad ng P100 sa jetty port bago makapasok sa Boracay.

“Sa Boracay kasi, maraming activities—water activities, so at least meron silang, in case na may mangyari, at least meron silang protection,” aniya nitong Linggo.

Nilinaw naman ni Bautista na ang mga turista na mayroong insurance ay hindi na kailangang magbyad ngP100, subalit may opsyon sila na kumuha ng karagdagang coverage.

“Show mo lang na insured ka… As I said, duplication na nga ‘yun, so kung gusto mo rin, kumuha ka,” aniya.

Inihayag ng local government unit na nakipag-ugnayan ito sa private firm sa Aklan upang padaliin ang pagproseso sa claims sakaling kailanganin ito.

Subalit, sinabi ng Philippine Chamber of Commerce and Industry (PCCI) sa Boracay na dapat na komunsulat muna ito sa stakeholders dahil rekisitos sa mga negosyo sa tourism department na magkaroon ng third-party liability insurance.

“Meron na po kaming binabayarang insurance na yearly. Every establishment, for example sa accommodation, lahat po ng establishment meron pong nakalagay na po na insurance,” ani PCCI Boracay former president Elena Bugger.

“I think it’s better for us to… you know, to invent ideas to make or to improve our island. Another expense po ‘yan sa tourist,” dagdag niya.

“Depende po ‘yan sa individual. This is your human right if you’re going to be insured or not. Wala namang sapilitan,” aniya pa. RNT/SA