P1,000 bill na gawa sa plastik iprinisenta ni Digong sa publiko

P1,000 bill na gawa sa plastik iprinisenta ni Digong sa publiko

April 7, 2022 @ 8:20 AM 3 months ago


MANILA, Philippines – Pinangunahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang presentasyon ng P1,000-piso polymer banknote, na nagtatampok sa Philippine eagle.

Sa isinagawang ceremonial program, personal at malapitang nakita ng Pangulo ang framed version ng 50 pirasong “uncut P1,000-piso plastic money”.

Ipinrisinta kasi nina Department of Finance (DOF) Carlos Dominguez III at Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Governor Benjamin Diokno kay Pangulong Duterte ang uncut P1,000-piso polymer banknotes.

Ayon sa BSP, ang P1,000-piso polymer banknotes ay naglalayong palakasin ang pagsisikap laban sa counterfeiting, safety concerns dahil sa Covid-19, at i-promote ang environmental sustainability.

Tampok sa plastic money ang complex security features gaya ng “sampaguita clear window, serial numbers, shadow thread, vertical clear window, metallic features, blue iridescent figure, polymer substrate, tactile dots, embossed print, flying eagle, and enhanced value panel.”

Sinasabing “less susceptible” ang polymer banknotes sa viral at bacterial transmission at maaaring i-sanitized “with less risk of being damaged.”

“They also have a smaller carbon footprint as their production requires less water, energy, and other resources. It can also be recycled into other useful forms such as compost bins, building components, furniture, and other household products,” ayon sa BSP.

“The new banknotes last 2.5 to five times longer than paper banknotes given their resistance to water, oil, dirt, and general wear-and-tear. The longer lifespan makes them more cost-effective in the long-run,” ayon pa rin sa BSP.

Ang harapan ng P1,000-piso polymer banknote ay nagtatampok sa Philippine eagle at sampaguita.

Nananatili namang hindi ginalaw ang reverse side o kabilang bahagi nito maliban sa “sampaguita, coat of arms of the Philippines, and BSP logo,” na makikita sa harapan.

Ang reverse side ng bagong P1,000-piso polymer banknote at kasalukuyang P1,000-piso paper banknote ay nagtatampok sa South Sea Pearl, Tubbataha Reefs Natural Park, at T’nalak weave design.

Samantala, ipalalabas naman ng BSP ang bagong banknote ‘in phases’ simula ngayong buwan.

Matatandaang, noong huling bahagi ng nakaraang taon, ang disenyo ng bagong plastic banknotes ay binatikos dahil sa pag-alis sa portraits ng tatlong Filipino World War II heroes na sina Vicente Lim, Josefa Llanes Escoda, at Jose Abad Santos.

“The new PHP1,000-piso polymer banknote and the current PHP1,000-piso paper banknote will co-exist and can both be used for payments and transactions,” ayon sa BSP.

Ang kasalukuyang P1,000-piso paper banknotes ay gawa sa 80%cotton at 20% abaca.

“Currently, the PHP1,000 banknote is widely circulated in the country, comprising 30 percent of Philippine money in circulation,” ang pahayag ng BSP.

Sa pagitan ng 2022 at 2025, tinatayang may 500 milyon na P1,000 polymer banknotes, na nagkakahalaga ng P500 bilyong piso ang magsi-circulate o lalaganap.

Ginamit naman ng BSP ang Reserve Bank of Australia at ang wholly-owned subsidiary Note Printing Australia nito para sa paggawa ng polymer banknotes. Kris Jose