P100,000 reward sa pumatay sa enforcer

P100,000 reward sa pumatay sa enforcer

June 27, 2018 @ 3:21 PM 4 years ago


 

Manila, Philippines – Tumataginting na halagang P100,000 reward ang nakahandang ilabas ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila sa sinumang makakapagturo sa bumaril at pumatay sa isang miyembro ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB).

Ayon kay MTPB Director Dennis Alcoreza, itinuro ng mga saksi si Julian Aruta na siyang bumaril sa biktimang si Ruben Pangindian na tumatayong team leader ng MTPB Towing 1.

Matagal na umanong pinaghahanap si Aruta na dating nakatalaga sa Manila Tricycle Regulatory Office (MTRO) dahil may iba pang kaso ng pagpatay noong Disyembre kaya nagtatago.

Kabilang din umano si Aruta sa mga sindikato ng mga tricycle sa Parola Compound.

Nabatid na nilinis ni Alcoreza ang Parola katulong ang ICTSI mula sa mga pasaway na  tricycle driver dahil na rin sa  pagtatrapik sa lugar.

Nabatid na nagsagawa ng clearing operation ang biktima kasama ang iba pang tauhan ng MTPB  dahil sa reklamo mula sa MICT kaugnay sa iligal na pagpaparada ng mga truck sa lugar.

Umapela si Alcoreza sa Manila Police District na magsagawa ng follow up operations upang agad ba madakip si Aruta. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)