P100K reward alok ng BuCor sa makapagtuturo ng pumugang preso sa NBP  

P100K reward alok ng BuCor sa makapagtuturo ng pumugang preso sa NBP  

January 24, 2022 @ 4:16 PM 8 months ago


Manila, Philippines – Nag-alok na ang Bureau of Corrections (BuCor) ng P100,000 reward para sa impormasyong makapagtuturo upang maaresto ang ikaapat na tumakas sa New Bilibid Prison (NBP) sa Muntinlupa city.

Ito ang kinumpirma ni BuCor Deputy Director General Gabriel P. Chaclag upang makatulong sa pagtunton sa pang-apat na tumakas na si Chris Candas Ablas na tumakas sa NBP noon pang Enero 17.

Gayundin ang alok ng BuCor sa ikatlong tumakas na si Drakilou Y. Falcon na pinaniniwalaang nagtamo ng sugat sa paa.

Napatay naman ang dalawa pang nakatakas na sina Pacifico V. Adlawan at Arwin V. Bio.

“BuCor Director General Gerald Q. Bantag ordered the relief of the Superintendent of NBP Maximum-Security Compound CSupt. Arnold Guzman and the NBP Commander of the Guards (COG) CSInsp. Israel Basi,” naunang pahayag ng BuCor.

“They were relieved of their positions and are now under the Directorate for Administration while investigation is still on-going regarding the escape incident.” RNT/FGDC