P100M pekeng produkto nakumpiska ng BOC

P100M pekeng produkto nakumpiska ng BOC

May 26, 2022 @ 1:25 PM 1 month ago


MANILA, Philippines – Tinatayang nasa P100 milyong halaga ng mga pekeng branded na produkto ang kinumpiska ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang inspeksyon sa isang warehouse sa Pasay City.

Bitbit ang Letter of Authority (LOA) na inisyu ni BOC Commissioner Rey Leonardo Guerrero, nagsagawa ng inspeksyon ang mga tauhan ng BOC-Port of Manila (POM) Enforcement and Security Services, POM-Formal Entry Division, Legal Service, at Philippine Coast Guard ang isang bodega na matatagpuan sa 115 Cuneta Avenue, Pasay City.

Bago ipasara ang nabanggit na bodega, nagsagawa ng paunang imbentaryo ng mga kalakal at nakita sa nasabing lugar ang iba’t ibang mga pekeng branded na sapatos, bag, at damit na may tatak na Gucci, Havaianas, Marvel, Nike, Adidas, at iba pa.

“The representatives of the warehouses were informed by the implementing team to provide importation documents and other pertinent permits covering all goods found thereat. Further investigation is also underway for other possible violations of the Intellectual Property Code of the Philippines (RA 8293) and the Customs Modernization and Tariff Act (RA 10863),” saad ng BOC. JAY Reyes