P101M sibuyas, agri products nasabat ng BOC sa Manila port

P101M sibuyas, agri products nasabat ng BOC sa Manila port

March 5, 2023 @ 2:33 PM 3 weeks ago


MANILA, Philippines – TINATAYANG nasa P101 milyon halaga ng mga sibuyas at iba pang produktong pang-agrikultura ang nasabat ng mga tauhan ng Bureau of Customs (BOC) sa isinagawang operasyon sa Manila International Container Port (MICP).

Nabatid kay BOC Commissioner Bienvenido Rubio na karamihan sa mga container van na naglalaman ng mga ismagel na produkto ay nagmula sa bansang China kung saan naglalaman ang mga ito ng mga pula at puting sibuyas, mga mushroom balls, at mga asukal.

Ang mga container van, aniya, ay dumating sa Manila port mula Disyembre 29, 2022 hanggang Pebrero 12 ngayong taon.

Nakitaan ng mga ismagel na produkto ng mga tagasuri sa Customs ang tatlong lokal na consignee, ito ay ang RYY Consumer Goods Trading, MFBY Consumer Goods Trading, at M.S. Fab Builder.

Nabatid kay CIIS Director Verne Enciso na ang mga alert order ay inisyu pagkatapos nilang makatanggap ng mga impormasyon tungkol sa mga nilalaman ng mga naharang na containers.

“Originally, these shipments were declared to have pizza dough, shabu-shabu balls like fish balls, and some pneumatic tools. But, so far, of the 22 containers we have opened this week, we already found agricultural products, such as sugar and onions,” ani Enciso.

Nito lamang Pebrero 17, nasa P94 milyong halaga ng mga ismagel na sigarilyo at asukal din ang nasamsam sa serye ng mga inspeksyon sa MICP, ang operasyon ay pinangunahan ni Rubio.

Sinabi ni CIIS-MICP chief Intelligence Officer 3 Alvin Enciso na agad nilang pinatigil ang mga container van matapos matanggap ang report para sa physical examination.

CIIS-MICP chief Intelligence Officer 3 Alvin Enciso said they immediately put on hold the container vans after receiving the report for physical examination.

Naglabas naman ang District Collector ng Warrant of Seizure and Detention (WSD) laban sa mga ismagel na sibuyas at asukal para sa posibleng paglabag sa Sec. 1400 (misdeclaration in goods declaration) at Sec. 117 (regulated importation) na may kaugnayan sa Sec. 1113 (property subject to seizure and forfeiture) ng Republic Act No. 10863, na kilala rin bilang Customs Modernization and Tariff Act (CMTA). Jay Reyes