P102K shabu nakumpiska sa drug den

P102K shabu nakumpiska sa drug den

December 10, 2022 @ 10:39 AM 2 months ago


BATO, Leyte- Umabot sa P102,000 halaga ng shabu ang nakumpiska ng mga awtoridad sa sinalakay na drug den na nagresulta sa pagkakadakip sa tatlong indibidwal kahapon sa bayang ito.

Kinilala ang mga nadakip na suspek na sina Charlito Perez alyas “Aploy”; Neil Sanchez alyas “Bungi”; at Noel Manos alyas “Tawe”, mga drug den maintainer, sa nasabing bayan.

Batay sa report ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 8, nakatanggap sila ng report hinggil sa talamak na bentahan ng droga ng mga suspek at isinailalim ang mga ito sa monitoring at ng magpositibo inilatag ang buy-bust operation.

Nakuha sa mga suspek ang nasa 15 gramo ng shabu na may market value na P102,000 at  drug paraphernalias.

Nahaharap ngayon sa kasong paglabag sa RA 9165 o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 ang mga suspek na ngayon ay nakakulong sa lock-up facility ng Bato Municipal Police Station. Mary Anne Sapico