P104K halaga ng shabu nakumpiska sa Laguna

P104K halaga ng shabu nakumpiska sa Laguna

November 23, 2022 @ 3:40 PM 7 days ago


MANILA, Philippines – Arestado ang tatlong hinihinalang tulak ng droga kabilang ang isang babae sa ikinasang buy-bust Operation ng Biñan City Police Station sa CRC Homes Subd., Barangay Platero sa lungsod ng Binan, Laguna.

Kinilala ni Police Colonel Randy Glenn Silvio, Acting Provincial Director ng Laguna PNP ang mga suspek na sina alyas Andrei, alyas Viamayra at alyas Rafael.

Base sa inisyal na report ng Biñan City Police Station, dakong 4:25 ng madaling araw ay nagkasa ng anti-illegal drugs buy-bust operation sa nabanggit na lugar na humantong sa pagkakaaresto sa tatlong suspek makaraang magpanggap na posuer buyer ang isang pulis.

Narekober sa mga suspek ang labindalawang (12) piraso ng hinihinalang illegal na droga na tinatayang nasa 16 na gramo na may street value na halagang humigit kumulang P104,000, tatlong (3) pirasong coin purse na naglalaman ng P5,000 cash gayundin ang ginamit na buy -bust money.

Pansamantalang nakapiit ang mga nadakip na suspek sa Biñan City Police Station kung saan ang mga kinumpiskang ebidensya ay dinala na sa tanggapan ng Crime Laboratory para sa isasagawang forensic examination.

Nahaharap ang mga akusado sa kasong paglabag sa Republic Act 9165 o Comprehensive Dangerous Drug Act of 2002.

“Sa tulong ng mga mamamayan ng Laguna ay mas mabilis naisasagawa ang mga operasyon kontra droga sa pakikipag tulungan po ninyo ay magiging mas maayos,tahimik at Ligtas ang Lalalawigan ng Laguna,” ani PCo.l Randy Glenn Silvio. Ellen Apostol